Wednesday, July 28, 2004

StarDust

eto na naman ako
nag aantay ng ulan
pinipiga ang unan
na parang maibibigay nila ang kasagutan
 
pilipit na ang kumot
di ako makatulog
sa kakagulong at kakaikot
malapit nang tumilaok uli ang mga manok
 
di kita makikita
sa liwanag ng umaga
ako ang gamo gamo
at ikaw ang lampara 
 
gising na ako
isa ka lang palang pantasya
hindi ko na maaaninag ang ganda mo
dahil walang bituin sa umaga
 
 


Comments:
aba! aba! nabasa ko din ang blog mo pare! okay ha!
:)
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?